Saturday , November 25 2017
Home / Blog / DAHIL SA HAMON NG STO. PAPA, DATING SEMINARISTA DESIDIDONG LINISIN ANG PULITIKA SA DIMASALANG, MASBATE

DAHIL SA HAMON NG STO. PAPA, DATING SEMINARISTA DESIDIDONG LINISIN ANG PULITIKA SA DIMASALANG, MASBATE

DIMASALANG, Masbate, Okt. 16, 2015 – Wala nang makapipigil pa sa isang dating seminarista na yanigin ang sistema ng pamamahala sa Dimasalang, Masbate sa nalalapit na halalan 2016 bilang tugon umano sa hamon ni Pope Francis sa mga Katolikong layko na makilahok sa pulitika “gaano man ito kadumi”Desidido si Pedro “Peter” Garcia III, 36 anyos, padre de pamilya, tubong Brgy. Banahao, na tumakbo sa pagkaalkalde para sa matagal nang inaasam-asam na pagbabago sa nasabing bayan.

“Kung tutuusin masaya na ako sa buhay ko sa Maynila. Tahimik. Walang gulo. Pero tuwing naiisip ko ang kalagayan ng mga taga-Dimasalang, hindi maiwasang madurog ng puso ko. Kung may magagawa rin lang ako para kahit papaano e maibsan ang paghihirap ng mga kabayayan ko, bakit hindi ko gagawin?” Kung kaya ko naman silang tulungan, bakit ko sila pagkakaitan?” aniya sa panayam.Makakabangga niya sa eleksiyon ang kasalukuyang nakaupo sa puwestong si Mayor Henry J. Naga.

Naninindigan si Garcia na karapatan ninuman sa Dimasalang ang sumabak sa pulitika, lalo’t hindi umano nasolusyunan ang sari-saring problemang matagal nang nagpapahirap sa kanilang bayan.

Si Peter Garcia kasama ang bunsong anak na si Pio pauwi sa Dimasalang, Masbate.
Si Peter Garcia kasama ang bunsong anak na si Pio pauwi sa Dimasalang, Masbate.

 

Bilang Katoliko, pinanghahawakan niya ang tinuran ni Pope Francis, maging ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa “Pastoral Exhortation on Philippine Politics,” na tungkulin ng mabubuting layko na direktang makialam sa pulitika sa kabila ng kasalimuutan nito alang-alang sa kinakailangang pagbabago.

Ayon sa naturang dokumento:

Direct participation in the political order is the special responsibility of the laity in the Church.  It is their specific task to renew the temporal order according to Gospel principles and values.  On the other hand, it is the specific task of the hierarchy to teach authoritatively what the Church believes or holds concerning the political order.

Vatican II states:  “The Church praises and esteems those who devote themselves to the public good for the service of all and take upon themselves the burdens of public office” (GS, 75).  It also adds this encouragement:  “Those with talent for the difficult and noble art of politics, or whose talents in this matter can be developed, should prepare themselves for it, and forgetting their own convenience and material interests, they should engage in political activity” (Ibid.).

It is along these same lines that PCP-II states:  “In the Philippines today, given the general perception that politics has become an obstacle to integral development, the urgent necessity is for the lay faithful to participate more actively, with singular competence and integrity, in political affairs” (PCP-II, 348).  PCP-II strongly urged that competent and conscientious persons of integrity should become political candidates.  And the laity must “help form the civic conscience of the voting population and work to explicitly promote the election of leaders of true integrity to public office” (PCP-II, Art. 8, #1).

 

Brad_Pit3
Si Garcia habang naghahain ng kaniyang Certificate of Candidacy sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Dimasalang, Masbate.

Giit ni Garcia, panahon na upang baguhin ang bulok na kalakaran ng pamamahala sa Dimasalang upang bigyang-daan ang pagpasok ng progreso sa munisipalidad.

“Maawa naman sana ang mga kasalukuyang nakaupo sa mga kababayan namin. Aba’y ilang dekada nang galing lang sa iisang angkan ang mga namumuno sa Dimasalang,” ani Garcia.

Paliwanag niya, hindi umano patas at makatarungan sa kaniyang mga kababayan ang habambuhay magtiis sa political dynasty.

Brad_Pit2
Si Garcia kasama ang Comelec officer ng Dimasalang, Masbate.

“Tama na! Palitan na! Sobra na!” dagdag niya.

May asawa at tatlong anak, si Garcia ay aktibo sa pagsulong ng adbokasiya ng moral transformation sa pulitika.

Dating seminarista na kumuha ng philosophy major in liberal arts at nagtapos ng seaman’s course, siya ngayon ang tagapangasiwa ng MyLightstream, ang media arm ng Children of Light Catholic Charismatic Community (COLCCC) sa Maynila na nagpapalabas ng mga programang gaya ng “Know The Truth,” at host ng “The Philippines is for Christ.” (KTT News Staff) 

About Atty. Marwil Llasos, O.P.

Check Also

jesus

Christ Sends the Holy Spirit

A. God is Spirit. This is clear from the words of the Lord Jesus himself. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *