Saturday , November 25 2017
Home / Blog / #PersonalizedWeddingVows?

#PersonalizedWeddingVows?

Okay marami na namang galit sa Simbahan dahil bawal daw ang personal wedding vows. Dami namang bawal, sabi nila. Ipapaliwanag ko lang muna ang dahilan kung bakit dapat nga, matuwa pa tayo imbis na magalit.

Kapag kinasal tayo sa Simbahan, makakasiguro tayo ng tatlong bagay: 1. simbahan (physical structure), 2. pari na may legal na kakayahang magkasal, at ang 3. SACRAMENT o sakramento na ayon sa catechism natin ay ang patunay na kasama natin ang Diyos. At sa kasong ito, sinasamahan tayo ng Diyos sa ating pinakamaligaya at sagradong sandali: ang araw ng ating pag-iisang dibdib.

Ngayon, bakit bawal ang personal at customized na wedding vows?

Nararapat lang na sundin ng mga ikakasal ang liturgy ng kasal ng Simbahang Katoliko upang ipahiwatig nila na ang kinasal ay hindi lang mag-asawa, kundi bahagi ng Simbahang Katoliko at katawan ni Kristo.

Ang grasya ng sakramento ng kasal ay galing sa tinatawag na “mutual consent” ng mga ikakasal ((Catechism #1623, 1626, 1639 – 1640). Sa pag-gamit ng mga vows na galing mismo sa liturhiya ng Simbahan, sinisigurado niya na sagrado ang ating kasal.

Kapag pinagbigyan natin ang mga tinatawag na ‘personal vows’ hindi natin masisiguro ang kasagraduhan or yung pagka-valid ng ating kasal. (cf. Code of Canon Law #1101 – 1102, 1107; also #1119).

Sana nakatulong ito, at paki-share na rin sa marami. Salamat at God bless!

*Original post Aj Perez FB Page

About Atty. Marwil Llasos, O.P.

Check Also

jesus

Christ Sends the Holy Spirit

A. God is Spirit. This is clear from the words of the Lord Jesus himself. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *